Monday, September 10, 2012

ISABUHAY SI KRISTO, IBAHAGI SI KRISTO



NI ODETTE LEON

Taon-taon,  sa tuwing sasapit ang buwan ng Setyembre, ipinag-diriwang natin ang BUWAN NG KATEKESIS --– upang paalalahanan tayong lahat sa kahalagahan ng Kateksis  ----  ang pag-aaral ng mga katotohanan, pagsasabuhay at pagdiriwang ng ating pananampalataya. 

Sa taong ito, ang tema ng pagdiriwang ng Buwan ng Katekesis ay --- “LIVE CHRIST,  SHARE CHRIST”…. “ISABUHAY SI KRISTO, IBAHAGI SI KRISTO”.

Sa tuwina,  tayo ay hinahamon na isabuhay ang mga aral at halimbawa ni Kristo  at ibahagi si Kristo sa iba.  Upang makatugon sa hamong ito,  una sa lahat, kinakailangang kilalanin muna  si Kristo at alamin ang Kanyang mga aral at halimbawang nais Niyang ating tularan sa Kanya.  At doon  pa lamang natin Siya maibabahagi sa iba sa pamamagitan ng katekesis.

Ang pagbabahagi kay  Kristo sa iba sa pamamagitan ng katekesis ay  tungkulin ng lahat.  IKAW… AKO… TAYONG LAHAT AY TAGAPAGTURO NG MABUTING BALITA.  Dahil sa bisa ng ating binyag,  tayong lahat  ay nakiki-isa sa misyon ni Kristo bilang propeta. Kaya’t,  BAWAT KRISTIYANO AY KATEKISTA --  layko na tumugon sa panawagan na magsabuhay at magturo ng Ebangelyo sa iba’t ibang pamamaraan…  Katekista sa tahanan/pamilya….  Katekista sa paraalan…. Sa parokya……  at sa komunidad.

Ayon sa sabi ni Blessed Pope John Paul II…  “the world needs you because it needs catechesis  dahil sa  …  “marami ang aanihin ngunit kakaunti ang manggagawa”.  (Mat 9:27). 

Sa paghahayo ni Jesus sa kanyang labing dawalang apostoles upang ipalaganap ng Mabuting Balita… kasama tayong bawat binyagan Katoliko na  hinahamong tumugon sa tungkuling iniwan ni Kristo na  ipinagpapatuloy ng Simbahan sa pamamagitan ng pagtutulungan ng bawat kristiyano.

No comments:

Post a Comment