NI ODETTE LEON
Taon-taon, sa tuwing sasapit ang buwan ng Setyembre,
ipinag-diriwang natin ang BUWAN NG KATEKESIS --– upang paalalahanan tayong
lahat sa kahalagahan ng Kateksis ---- ang pag-aaral ng mga katotohanan, pagsasabuhay
at pagdiriwang ng ating pananampalataya.
Sa taong ito,
ang tema ng pagdiriwang ng Buwan ng Katekesis ay --- “LIVE CHRIST, SHARE CHRIST”….
“ISABUHAY SI KRISTO, IBAHAGI SI KRISTO”.
Sa tuwina, tayo ay hinahamon na isabuhay ang mga aral at
halimbawa ni Kristo at ibahagi si Kristo
sa iba. Upang makatugon sa hamong ito, una sa lahat, kinakailangang kilalanin muna si Kristo at alamin ang Kanyang mga aral at
halimbawang nais Niyang ating tularan sa Kanya.
At doon pa lamang natin Siya maibabahagi
sa iba sa pamamagitan ng katekesis.
Ang pagbabahagi kay
Kristo sa iba sa pamamagitan ng
katekesis ay tungkulin ng lahat. IKAW… AKO… TAYONG LAHAT AY TAGAPAGTURO NG
MABUTING BALITA. Dahil sa bisa ng ating binyag, tayong lahat ay nakiki-isa sa misyon ni Kristo bilang
propeta. Kaya’t, BAWAT KRISTIYANO AY
KATEKISTA -- layko na tumugon sa
panawagan na magsabuhay at magturo ng Ebangelyo sa iba’t ibang pamamaraan… Katekista sa tahanan/pamilya…. Katekista
sa paraalan…. Sa parokya…… at sa komunidad.
Ayon sa sabi ni
Blessed Pope John Paul II… “the world needs you because it needs
catechesis “ dahil sa … “marami ang aanihin ngunit kakaunti ang
manggagawa”. (Mat 9:27).
Sa paghahayo ni Jesus sa kanyang labing dawalang apostoles upang
ipalaganap ng Mabuting Balita… kasama tayong bawat binyagan Katoliko na hinahamong tumugon sa tungkuling iniwan ni
Kristo na ipinagpapatuloy ng Simbahan sa
pamamagitan ng pagtutulungan ng bawat kristiyano.